Go watch this video and hear him call for The Caped Crusader!
I wanted to ask which villain this pug is having problems with. Is it Joker? Go watch this video and hear him call for The Caped Crusader!
0 Comments
Kahit na marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ngayon ng kawalan ng tubig, sang-ayon pa rin ako sa opinyon ng concerned citizen na isang malaking irony ang kakulangan ng tubig sa mga dam. Noong huling quarter ng 2009, walang humpay ang pagpapakawala nila ng tubig sa mga dam. Kesyo umaapaw na raw. Isang mababaw na dahilan para itapon ang suplay ng tubig na dapat sana ay magagamit ng mamamayan sa loob ng tatlong buwan. Hindi ba nila naisip na nagtapon sila ng tubig tapos ngayon, saka sila naghihirap at di malaman kung saan kukuha ng ibibigay sa mga tao? Hindi rin naman ibig sabihin na hayaang umapaw at bumaha sa mga lugar sa paligid ng dam. Sana lang, hindi nagtapon ng tubig na sobra-sobra. Ang problema kasi, masyadong OA. Wala pang bagyo, nagpakawala na ng pagkarami-raming tubig sa dam. Tapos mali-mali ang weather forecast, konti lang ang inulan. Edi nagkulang sa normal water level at nagahol sa supply. Ngayon, idineklara na ang krisis sa tubig. Naturingan pa namang napapaligiran ng tubig ang Pilipinas, eto biglang di na malaman kung saan kukuha ng panligo, panlaba, inumin, at panghugas ng pwet yung mga tao. Buti pa sa disyerto at mga lugar na tuyot, hindi nawawalan ng tubig. Yung bansa pa na sagana sa water forms, yun pa ang may water crisis! Sa totoo lang, nakakaawa yung mga taong apektado. Pero yung mismong nangyayari, nakakatawa. Nagrarasyon na lang ng tubig. Nagkakagulo sa pila ng rasyon. Nagkakanakawan ng timba at balde. Pati mga bumbero nagdo-donate na rin ng tubig na dapat sana ay nakalaan para sa sunog. Ay sauce!!! Pilipinas, nagpapatawa ka ba?!?! Jerry Bruckheimer did it again -- producing an action-packed and special effects-studded movie. This is one of those typical films where some normal nerdy guy becomes the special chosen one to save the world. But this one is different. The audiences are bombarded with fights and effects all throughout. The magical duels could remind you of something like Voldemort vs Harry or Saruman vs Gandalf, but in a more modernized version. Plus, it's sorcery integrated with science! The Sorcerer's Apprentice includes a bit of romance and comedy as well. The great effects would make you say "Whoa!" in some parts. Acting-wise, not bad. There's a good mix of the cast. Good choice of soundtrack is a bonus. Here's the trailer and see what I mean. The people's appreciation is the best inspiration.
Naisip ko lang yan bigla nung nai-comment ko ito sa isang kaibigan na nakaka-appreciate sa kahulugan ng mga pinagsasabi ko. Totoo naman yan. Sa bawat ginagawa mo, pag may nakapansin o nakakita ng ganda at galing, mas lalo kang nagkakaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Nagsisilbi rin itong inspirasyon para magpatuloy ka sa ginagawa mo. Yun ay dahil alam mong may tumatangkilik sayo. Lalo na kapag hindi inaasahang magustuhan ng tao ang gawa mo. Dito nauso ang mga fans club. Yung mga sikat na personalidad laging nagpapasalamat sa mga fans dahil sila ang inspirasyon at sila ang dahilan kung bakit nakamit ang tagumpay sa napiling larangan. May fans man o wala, ang mahalaga yung nagagawa mo kung ano ang gusto mo at kung saan ka masaya. Bonus na lang yung mga taong makaka-appreciate ng creations mo. Kahit ano pa yan, kahit anong larangan pa ang pinasok mo, ang importante yung na-express mo yung gusto mo at nai-share mo pa sa mundo. The rest is history. Bonus ang mga fans dahil dagdag sila sa pagpupursige mong ituloy at pagbutihin ang ginagawa mo. Kumbaga, sila ang fighting spirit mo. Minsan kahit alam mong walang pag-asa, yung suporta lang ng taong nakaka-appreciate sayo ay sapat na para makuntento at magkaroon ka ng kumpiyansa sa sarili. Minsan din, imbes gumawa ka para sa sarili mo at ikasasaya mo, ginagawa mo na lang para sa mga tao. Kasi nga, sila ang inspirasyon mo. Dahil nakikita nila ang hindi nakikita ng mata lang. Here's a little something to lighten your gloomy mood.
"Awwww..." Reminds me of Shrek's Puss in Boots! Isn't he the cutest? Makes my heart melt... Facebook status: "gHuyzz, k0Lek nAh qUh ng bAzzuRah.,., mEmya nAh Lan uLet.,., jEjEjE.,.,"
Twitter status: "fWendz, d2 mEeh zA n0rth aVe sHift k0h maLimoz. kiTakitZ!" Sosyal na ngayon ang mga homeless/palaboy sa Pilipinas. Bukod sa may mga cellphone na sila, may internet access na rin sila. Nakakapagtaka sa tuwing may makikita kang taong-grasa na nakahiga sa sidewalk at nagtetext. Sino naman kaya ang tinetext nila? Nakakakapag-load pa kaya sila kahit wala na silang makain? At ngayon, nakakagamit na rin sila ng kompyuter na may internet. May mga Facebook at kung anu-anong account pa sila sa mga social networking sites! Ito nga at kumpleto pa si manong sa mga gadgets, may headset pa pati printer! Bonus pa, may broadband connection yan! Oha! This is not just a work of art, but a creation of my good friend. It's one of the 10 entries for VNC Ode to Shoes competition in Facebook. And yes, I am campaigning slash promoting her simple/sophisticated work. To vote for my friend's entry, you have to click here to "like" VNC Ladies Shoes & Bags fan page first to be able to access the album. Then after liking the page, click here to write a comment and make your vote count. Tell the world why you think it's the best design. Hint: Remember that the design is for a notebook cover. If you would compare it to the others, this one is simple yet direct to the point. Hmm, I'll save my words for my vote. Hint: Remember that the best comment will also receive a prize if the design wins. For supporting my friend, I thank everyone for appreciating the true beauty of simplicity and sophistication. You have until next week to vote. Hail to the fulfilled life, dream, and passion. Malupet! Astig! Nakakaaliw ang imbensyong ito. Pero kahit napakarami na ng nakasakay dito, hindi pa rin maayos na makokontrol ang takbo at pagliko nito. Lalo naman siguro kapag isa na lang ang sakay ng higanteng skateboard na ito. Panoorin kung ano ang sinapit ng kawawang lalake. Ito ang mata ng Bagyong Basyang ayon sa satellite image ng PAGASA kaninang 11AM. Napakabilis nga lang ba ng mga pangyayari o sadyang late na naman ang announcement? Kaliwa't kanan na ang pagsu-suspend ng mga klase sa mga tinamaan ng storm signals, kung kailan nakapasok na ang mga estudyante. Ingat na lang sa ating lahat. Signal #3: -- Catanduanes -- Camarines Norte -- Northern Quezon -- Polilio Island -- Aurora Signal #2: -- Camarines Sur -- Southern Quezon -- Laguna -- Rizal -- Bulacan -- Nueva Ecija -- Nueva Vizcaya -- Quirino -- Ifugao -- Isabela Signal #1: -- Metro Manila -- Albay -- Marinduque -- Batangas -- Cavite -- Bataan -- Pampanga -- Zambales -- Tarlac -- Pangasinan -- La Union -- Benguet -- Mountain Province -- Ilocos Sur -- Kalinga -- Abra -- Cagayan Most of the time, realizations come too late. It's like a never-ending scene of waking up in a dream's dream.
How can you survive a nightmare if you have already been eaten by your fantasies? How can you force yourself to open your eyes if you are blinded by the light? What if nobody's there to shake or slap you? Most of the time, realizations need to be discovered by you alone. You don't need others to show you what's right and what's wrong. If there is nobody to shake or slap you awake, then fight for your life. It's never a mistake to give up your dream in order to save yourself. Most of the time, realizations can be a good turning point. In a rough situation, realizing something can take you back to the right path. It leads you away from a dreadful life. You will find out in the end how these decisions help in redirecting your journey positively. Most of the time, realizations save you from regrets and suffering. You can avoid experiencing those so-called darkest moments if only you realize things earlier. You can free yourself from all the blame by accepting realizations. Most of the time, people forget that dreams are different from reality. They don't realize how everything can be all good in a dream and how it turns out very wrong in the real world. |
The author's name is always misspelled and mispronounced. But you can call her Maryowni.
HOT TOPICS
All
FIND ME HEREGET UPDATESARCHIVES
November 2012
BLOGOSPHERE** Cheers to LOVE.LIFE!
** all time fangirl ** Charlie, get your vogue on ** Think About It. ** Paulo Coelho's Blog ** The Professional Heckler ** Strange Fruit ** The Oatmeal ** Hot 10 ** nicknamed cheenee BEST GUESTSThis work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. SHOWS/EVENTS |