Hindi ko alam kung anong dapat gawin sa mga satanic people. Nakakapaghasik sila ng lagim nang walang kahirap-hirap.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang magpanggap na anghel kahit maraming naglalaro sa utak nila na maiitim na balak.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang umarte na inosente kahit marami na silang ginagawang kabalbalan.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang mang-hypnotize ng kapwa nila para magawa nila nang matiwasay yung maitim nilang balak.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang malusutan ang mga kabalbalang ginagawa nila na parang wala lang at parang walang nangyari.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang mag-abang lang sa sulok at tahimik na magmasid sa mga nagaganap sa paligid.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang umatake nang patago at gumawa ng kabalbalan sa malinis na paraan. Kumbaga sa mga goons, walang sabit.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang lusutan, takasan, at takbuhan ang ginawa nilang kabalbalan sa isang kisapmata lang.
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang mag-drama at mag-emote kapag natimbog. Napakagaling nilang gumawa ng eksena na hindi talaga sila ang may kagagawan kahit "all signs point to them."
Kaya sila naging satanic dahil kayang kaya nilang utakan ang mga tao sa paligid. Kaya nilang makaisa. Sila ang numero uno pagdating sa mahusay na pagpapaniwala sa mga tao na wala silang kinalaman sa kabalbalan.
Kung mahaba lang ang oras at marami pang espasyo, kaya ko na sanang gumawa ng isang libro na dedicated lang sa pagiging satanic ng mga MAGNA cum NAKAW.
Sa ngayon, ito lang muna. Kung may iba pa kayong alam na impormasyon tungkol sa pagiging satanic ng mga taong ito, please share for the welfare of the remaining good people.