Sa Necitas Garcia Lotto Outlet sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Olongapo City tumaya ang jackpot winner. Inaalam pa rin hanggang ngayon kung anong araw at oras siya tumaya.
Lucky talaga ang taong ito dahil “Lucky Pick” lang ang tinayaan niya. Ibig sabihin, hindi talaga niya personal na pinili ang kumbinasyon na ginamit niya sa pagtaya.
Kailangan lang niyang pumunta sa Secretariat Office ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC) at doon kunin ang kanyang premyo.
Pero ano kaya ang mangyayari sa taong ito? Payapa kaya niyang makukuha ang kanyang premyo? Mamamatay kaya siya? Kikidnapin? Hoholdapin?
Yayaman kaya siya o lalong maghihirap?
Sumigaw at tumalon kaya siya nang malamang nanalo siya? Nahimatay ba siya?
Maglalakas-loob pa kaya siyang kunin ang maswerteng limpak-limpak na salapi kung mamalasin naman siya?