Totoo at tama ba ang point ng kaisipang ito?
Pag binasa mo ito, nakakakulo ng dugo at nakakainit ng ulo.
Imagine, may logic pala ang pagkakaroon ng 3rd party? May katuturan pala ang paglalandi sa taong committed na? May mabuting rason pala ang paninira sa relasyon? May punto pala ang pang-aagaw sa taong taken na?
THIS IS RIDICULOUSLY INSANE!!! Isang malaking kabaliwan ng taong malandi. Lalake man o babae.
Kung may makating tao na makakabasa nito, sigurado lalong lalakas ang loob nun sa paglalandi. Mas magiging proud pa siya na isa siyang lukaret na 3rd party.
Pero kung may katotohanan nga sa likod nito, jusko! Hindi pa rin ako maniniwala.
Sa dami ng mga single sa mundong ito, walang karapatan ang malalanding tao na manghimasok sa relasyon ng may relasyon.
Kung single ka at nangangati ka, humanap ka ng kapwa mo single at gumawa kayo ng sarili niyong mundo. Bakit kailangan pang pumuntirya ng may minamahal na? Siraulo ka pala eh! Napakarami ng single sa mundo, hindi ka mauubusan! Adik!
Hahaha!