Noong huling quarter ng 2009, walang humpay ang pagpapakawala nila ng tubig sa mga dam.
Kesyo umaapaw na raw.
Isang mababaw na dahilan para itapon ang suplay ng tubig na dapat sana ay magagamit ng mamamayan sa loob ng tatlong buwan.
Hindi ba nila naisip na nagtapon sila ng tubig tapos ngayon, saka sila naghihirap at di malaman kung saan kukuha ng ibibigay sa mga tao?
Hindi rin naman ibig sabihin na hayaang umapaw at bumaha sa mga lugar sa paligid ng dam. Sana lang, hindi nagtapon ng tubig na sobra-sobra. Ang problema kasi, masyadong OA. Wala pang bagyo, nagpakawala na ng pagkarami-raming tubig sa dam. Tapos mali-mali ang weather forecast, konti lang ang inulan. Edi nagkulang sa normal water level at nagahol sa supply.
Ngayon, idineklara na ang krisis sa tubig. Naturingan pa namang napapaligiran ng tubig ang Pilipinas, eto biglang di na malaman kung saan kukuha ng panligo, panlaba, inumin, at panghugas ng pwet yung mga tao.
Buti pa sa disyerto at mga lugar na tuyot, hindi nawawalan ng tubig. Yung bansa pa na sagana sa water forms, yun pa ang may water crisis!
Sa totoo lang, nakakaawa yung mga taong apektado. Pero yung mismong nangyayari, nakakatawa.
Nagrarasyon na lang ng tubig. Nagkakagulo sa pila ng rasyon. Nagkakanakawan ng timba at balde. Pati mga bumbero nagdo-donate na rin ng tubig na dapat sana ay nakalaan para sa sunog.
Ay sauce!!!
Pilipinas, nagpapatawa ka ba?!?!