Pero buti na lamang at may ebidensya akong naitabi na ibabahagi ko sa inyo ngayon.
Ang pamagat ng artikulo ni Soriano ay "Language, learning, identity, privilege" at inilathala noong Agosto 24 -- Buwan ng Wika.
Unang pangungusap pa lamang, puno na ng papuri sa wikang Ingles. Ito raw ang wika ng karunungan. Dinugtungan na niya ito ng mga bahagi sa kanyang buhay na may koneksyon sa pagkatuto niya ng wikang Ingles.
Pagdating sa ikaapat na talata, aba! Kinutya na ang wikang Filipino! Inihalintulad pa ang ating sariling wika sa paghuhugas ng pinggan! Hindi raw ito ang wika ng karunungan kundi wika sa pakikipag-usap sa mga tagahugas ng pinggan.
Ang ikalimang talata ay puno ng kakonyohan ni Soriano. Kesyo ginagamit lang daw ang wikang Filipino sa mga tindera, katulong at manong.
Sa ikaanim na talata, sinabi ni Soriano na kailangan lang daw tayong gumamit ng Filipino para mabuhay sa outside world dahil napipilitan tayong makisama sa mga tindera, katulong at manong sa mundong ito. Kailangan lang daw nating matuto mag-Filipino para makaiwas sa holdap sa jeep.
Sa ikalabing-isang talata, aminado naman si Soriano na mas masahol pa siya sa malansang isda. Buti na lang at alam niya sa sarili niya na ganun siya.
Sa ikalabindalawa at ikalabintatlong talata, ipinagpatuloy ni Soriano ang pagyurak sa wikang Filipino. Hindi raw ito ang wika ng karunungan at ng may kaalaman. Tama nga naman na hindi nagagamit ang wikang Filipino sa mga lugar na kanyang nabanggit. Pero hindi yun ang sukatan para tapak-tapakan niya ito.
Sa huling talata, buong dangal at pasasalamat na ipinagmalaki ni Soriano na Ingles ang kanyang mother language.
Para sa akin, isa lang siyang ordinaryong Pinoy na natuto lang mag-Ingles. Wala siyang karapatan para pagsalitaan ng ganun ang wikang ginagamit sa bansa kung saan siya nakatira. Oo, marunong siya mag-Ingles. Lahat ng tao sa Pilipinas may alam sa Ingles kahit papaano. Hindi niya kailangang magmayabang.
Mabuti pa sana kung itinuon na lang niya ang artikulo niya sa papuri sa wikang Ingles. Mas katanggap-tanggap pa yun sa mga mambabasa. Hindi na dapat niya dinamay ang wikang Filipino para ganunin lang.
Isa siyang Pilipino. Hindi siya foreigner, apelyido pa lang. Bakit niya kailangang gumawa ng ganitong kabulastugan? Para ano? Para ipagyabang na siya lang ang nakakapag-Ingles? Maraming tao sa Pilipinas na magaling magsalita ng Ingles pero hindi naman nila sinasagasaan ang wikang Filipino. Hindi pinandidirihan at lalong hindi kinukutya. Hindi porket Inglisero ay hindi na igagalang ang sariling wika.
Lumayas na lang siya sa Pilipinas kung ganyan siya.
Kung ako si Jose Rizal, babangon aku sa hukay at mumultuhin ko siya. Puputulin ko ang dila niyang walang respeto sa wikang Filipino. Babaliin ko ang mga kamay niyang sinadyang isulat ang ganitong obra sa panahon pa ng Buwan ng Wika. Buti na lang, hindi ako si Rizal.
Para sa akin, hindi lang siya masahol sa malansang isda. Isa siyang BOTCHA!
Narito ang naisalba kong ebidensya ng mahiwagang artikulo ni James Soriano. Kayo na ang bahalang humusga.