Naisip ko lang yan bigla nung nai-comment ko ito sa isang kaibigan na nakaka-appreciate sa kahulugan ng mga pinagsasabi ko.
Totoo naman yan.
Sa bawat ginagawa mo, pag may nakapansin o nakakita ng ganda at galing, mas lalo kang nagkakaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Nagsisilbi rin itong inspirasyon para magpatuloy ka sa ginagawa mo. Yun ay dahil alam mong may tumatangkilik sayo.
Lalo na kapag hindi inaasahang magustuhan ng tao ang gawa mo.
Dito nauso ang mga fans club. Yung mga sikat na personalidad laging nagpapasalamat sa mga fans dahil sila ang inspirasyon at sila ang dahilan kung bakit nakamit ang tagumpay sa napiling larangan.
May fans man o wala, ang mahalaga yung nagagawa mo kung ano ang gusto mo at kung saan ka masaya. Bonus na lang yung mga taong makaka-appreciate ng creations mo. Kahit ano pa yan, kahit anong larangan pa ang pinasok mo, ang importante yung na-express mo yung gusto mo at nai-share mo pa sa mundo. The rest is history.
Bonus ang mga fans dahil dagdag sila sa pagpupursige mong ituloy at pagbutihin ang ginagawa mo. Kumbaga, sila ang fighting spirit mo.
Minsan kahit alam mong walang pag-asa, yung suporta lang ng taong nakaka-appreciate sayo ay sapat na para makuntento at magkaroon ka ng kumpiyansa sa sarili.
Minsan din, imbes gumawa ka para sa sarili mo at ikasasaya mo, ginagawa mo na lang para sa mga tao. Kasi nga, sila ang inspirasyon mo.
Dahil nakikita nila ang hindi nakikita ng mata lang.