Twitter status: "fWendz, d2 mEeh zA n0rth aVe sHift k0h maLimoz. kiTakitZ!"
Sosyal na ngayon ang mga homeless/palaboy sa Pilipinas. Bukod sa may mga cellphone na sila, may internet access na rin sila.
Nakakapagtaka sa tuwing may makikita kang taong-grasa na nakahiga sa sidewalk at nagtetext. Sino naman kaya ang tinetext nila? Nakakakapag-load pa kaya sila kahit wala na silang makain?
At ngayon, nakakagamit na rin sila ng kompyuter na may internet. May mga Facebook at kung anu-anong account pa sila sa mga social networking sites!
Ito nga at kumpleto pa si manong sa mga gadgets, may headset pa pati printer!
Bonus pa, may broadband connection yan! Oha!