Nakakatakot isipin. Kung susubukan mong pigain ang utak mo at hanapin kung saan ka nagmula bago ka isinilang ng nakagisnan mong ina ngayon, natural wala kang maaalala. Yung ibang tao na interesadong punan ang mga "memory gaps" sa isip nila ay nagpapatulong pa sa mga eksperto para makaalala at mahalungkat ang kaibuturan ng utak nila.
Pero totoo nga kaya ang pagkakaroon nating lahat ng past life? Nire-recycle nga lang ba tayo pagkatapos nating mamatay at paulit-ulit lang na bumabalik sa mundo sa ibang katauhan? Kung walang "brand new" na tao sa mundo, nakailang past lives na kaya tayo?
May katotohanan ba ang reincarnation? Eh ang repetitive cycle of birth depending on karma? Eh ang pagbabalik ng kaluluwa sa mundo bilang isang hayop?
Paano nakakarating ang isang kaluluwa sa langit, purgatoryo o impyerno kung paulit-ulit lang na bumabalik sa lupa?
Magbalik tayo sa unang pahayag. Kung ang buhay mo ngayon ay maging past life, gugustuhin mo pa bang makalimot? O mas pipiliin mo na dalhin ang alaala ng pagkatao mo pagbalik sa mundo?