Totoo yan.
Kahit gaano pa katino at kabait ang boyfriend mo, kapag nilandi ng babaeng jejemon, aba! Mag-isip-isip ka na. Walang kawala ang so-called "good boyfriend" dun.
"eOww pOh.,.,., Mxta kAh nAh pOh? kUmaEn kAh nAh bAh? mIzz nAh kTah! mIzz mOh nAh rEn pOh bAh aQuoh? pUnTahh Kah pOh xA hAwZz QuOh mAmyAh.,.,., tApOzz mAgMaLL pOh teO.,.,., ikOt ikOt Lng nmAn pOh.,.,., fUdtRip nAh rEn pOh cgUrO.,.,., pArA mxAya aN LyF nAteN.,.,., mgAgALit pOh bAh giRLfriEnd mOh? wAg mOh nAh Lng pOh xAbiHin xA kAnyA.,.,., sEcReT nAh Lng pOh nAteN unG mGa gnAgAwa nAteN hA.,.,., kAw nAh pOh bHaLa mAgcNunGaLing.,.,., LuzUTan mOh nAh Lng pOh shA.,.,., wAg kAng pApAhuLi hA.,.,., Okzz pOh bAh? hIntAyIn kTah hA.,.,., iLOvEyOu pOh! mmWuuAahhUggzz!"
Patay na. Talo ang kawawang girlfriend sa ganyan. Kung gaano katindi ang kati sa pagtatype ng isang jejegirl, ganun din katindi ang kati niyang maagaw ang boyfriend ng may boyfriend na "type" niya.
Kahit anghel ang lalake, mahuhulog pa rin siya sa impyerno. Kahit anong goodness na meron ang isang boyfriend, masusungkit at magwawagi pa rin ang malanding jejegirl.
Kung normal na babae ka na nagbabasa nito, i-double check agad ang iyong boyfriend. Baka may umaaligid na jejegirl. Delikado sa panahon ngayon. Walang mabuting lalake na uubra sa landi ng babaeng jejemon.
Kung lalake ka na nagbabasa nito, mag-ingat sa jejegirl. Wag magpapaapekto at magpapalandi sa mga babaeng jejemon. Isaisip at isapuso lagi ang girlfriend. Kabutihan lagi ang pairalin at ipaglaban. Kung kinakailangan, pikit-mata kang mamuhay sa mundo para makaiwas sa kamandag ng jejegirls.
Walang ibang hangad ang mga jejegirls kundi ang sumira ng mga matibay na relasyon. Naghahasik sila ng lagim lalo na kapag challenge sa kanila na masungkit ang boyfriend na matagal nang may girlfriend. Kaya delikado ang mga matagal na. Sila ang puntirya ng mga jejegirl.
Samakatuwid, nasa tunay na nagmamahalan ang desisyon kung magpapasira sila mga jejegirl.
Nasa jejegirl ang huling halakhak.
Nasa lalake pa rin ang huling baraha.
Pero nasa babae ang huling higanti.