Daig pa ng magpartner na pulis na ito ang mga estudyanteng cutting classes para lang gumala at mag-arcade.
Imbes na magbantay at manghuli ng masasamang-loob, ayun! Nagpapraktis bumaril sa larong Time Crisis! At 2-players pa sila ha! Bongga sina mamang pulis! Complete uniform pa!
Pulis 1 (Left): Hoy bos, matatalo na tayo! Galingan mo naman diyan!
Pulis 2 (Right): Oo chip! Ginagalingan ko! Todo concentrate na nga ako oh! Malapit na 'ko ma-dead! Marami pa ba life mo?
Pulis 1: Teka, parang di naman yata gumagana itong baril ko. Madaya!
Pulis 2: Pambihira! Tawagin mo yung taga-ayos! Sayang yung ni-load natin sa Timezone card mo! Bawiin mo yun! Go!
At diyan nagtatapos ang yugtong ito na pinamagatang, "POLICEMAN SA PALARUAN".