Pagkabasa ko pa lang ng katagang ito, sumang-ayon na agad ako. Madalas, tayong mga babae ay hindi naiintindihan ng mga lalake. Akala nila puro pag-iinarte lang ang alam natin. Puro drama.
Pero ang totoo, nababalewala na tayo at hindi naaalala.
Ang hindi nila alam, gusto lang naman natin ng maraming maraming atensyon at pagmamahal. Simpleng bagay na minsan ay nakakalimutan nila at kulang na.
Ang pagiging "nagger" ng isang babae ay hindi nangangahulugan na siya ay "brat" o ina-under ang lalake. Hindi rin ibig sabihin nito na KLSP o kulang lang sa pansin ang babae.
Sa halip, ang pagiging "nagger" ng isang babae ay paraan para gisingin sa katotohanan ang lalake at ipaalala na "hello, nandito pa ako, pansinin mo naman ako, yoohoo, may halaga pa ba ako sayo?"
Para sa mga lalake, ito ang tunay na kahulugan. Hindi ibig sabihin na humahanap lagi ng away ang mga babae dahil sa pagiging "nagger" nila. Hindi ganun kababaw ang mga babae. Laging may malalim na pinanggagalingan ang nararamdaman ng mga babae. At kailangan niyong unawain at intindihin yun.