Lahat ng tao merong talentong taglay. Hindi lang alam, hindi pa nalalantad, o sadyang tinatago. Madalas, hindi pa akalain na may ganung kakayahan. Minsan, ayaw lang gamitin o ilabas. Yung iba naman, hobby lang ang tingin sa talent.
Inborn nga ba ang talent o napag-aaralan?
Para sakin, inborn ang talento na kusang nadidiskubre at nahahasa na lamang kung patuloy na susuportahan. Walang kwenta ang talent kung hindi rin naman nabibigyan ng atensyon o hindi ginagamit. Sa madaling salita, nasasayang.
Maganda kung merong mga outlets ng talento na pwedeng maging daan para maipakita at mai-share sa iba ang kakaibang kakayahan. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng saysay at kahulugan ang unique God-given talents na nilaan sa atin.