Uso ang ganito sa Pilipinas. Kahit sa TV, pelikula, o totoong buhay... bakit kaya ubod nang kupad ang mga pulis sa pagresponde? Tipong "too late" lagi. Kung kailan tapos na ang kaguluhan, saka pa lang sila darating at magtatanong kung anong nangyari. Kumbaga, useless na rin na dumating pa sila.
Ano kaya ang ginagawa nila kapag may emergency? Bakit di sila nagpa-panic at napapatakbo? Di ba nila nararamdaman ang kagustuhang makalipad o mag-teleport kung pwede lang?
Kung may takbuhan, pupusta ako sa delivery boy. Good luck na lang sa mamang pulis!