Magulo pero naiintindihan mo naman diba?
Kagaya na lang kapag nasa eroplano. Tatanungin ka ng kung sinong astang concerned sayo, kung ano ang gusto mong kainin. Syempre magbibigay sya ng choices. Pero hindi na pala available yung mga sinabi nya.
Parang gusto mong sabihin in a very sarcastic way na:
“wow! nagtanong ka pa! at nagbigay ka pa ng choices! asteeg!”
Iisipin mo tuloy pinagtitripan ka lang ng crew. Syempre magtitimpi ka ng asar. Maraming tao, nakakahiya gumawa ng iskandalo. Akalain pang nag-aamok ka at balak mo i-hijack yung eroplano. Maraming ganitong eksena. Usong-uso.
Sigurado alam mo yung mga kagaya nito.