Justice is served???
Nasaan ang hustisya sa nangyari ngayong araw? Napawalang-sala at napalaya ang lahat ng akusado sa Vizconde massacre.
Sino ang kawawa? Ang matandang si Lauro Vizconde -- nahimatay, naglupasay, humagulgol. Hindi na alam ang gagawin niya sa buhay niya ngayon dahil 15 taon ang ginugol niya sa paghahanap ng katarungan na hindi naman pala niya makakamtan.
Nawalan siya ng isang buong pamilya. Magpapasko na. Wala pang nakamit na hustisya.
Ngayong pasko, yung mga akusado at kanilang pamilya lang ang masaya. Pero paano naman ang biktima?
Isa lang itong patunay na kahit sa pinakamababa hanggang pinakamataas na kaso, napakatagal at napaka-unfair ng hustisya sa bansa.