Mula nang maupo sa pwesto si Benigno "Noynoy" Aquino III, ano na nga ba ang nangyari sa Pilipinas? May mga positibong pagbabago nga ba?
Oo nga, 100 days pa lang naman siya bilang presidente. Wala pa masyadong kaganapan. Wala pa masyadong nagagawa. Di naman ganun kadali yon. Lalo na kung kagagaling lang sa bangungot ang bansa. Mahirap iahon agad. Mahirap gisingin agad.
Pero panoorin niyo na lang itong video and you will nod in agreement at masasabi ninyo na, "Oo nga, marami na palang nangyari" at "Oo nga noh! Tama ang mga pinagsasabi dito" sa grabeng pagsang-ayon.
Siguro para sa marami, isang anti-government na naman ang mga patama rito. Eh sa totoo lang, pawang katotohanan lang naman ang pinapakita.
Hindi naman sa pagmamadali, pero gusto lang naman ilabas ang mga highlight sa unang isandaang araw ng bagong administrasyon.
Nakakatawa pero totoo.