Hindi mo malalaman kung ano ang meron ka hangga't hindi ito nawawala sayo.
Madalas ipinagwawalang-bahala mo lang yung mga bagay (o kahit tao) sa buhay mo. Hindi mo binibigyan ng halaga at importansya.
Ito ang rason kung bakit sila nawawala.
At kapag nawala na sila, saka mo lang mapagtatanto na kailangan mo sila at mahalaga sila sa buhay mo. Kadalasan, huli na ang lahat kapag naisip mo na importante pala sila. Mahirap nang ibalik kung ano ang nawala. Mahirap nang ibalik ang dati.
Dito pumapasok ang katagang "nasa huli ang pagsisisi"...