Lalake 1: P’re, san ka bababa? North?
Lalake 2: Hindi, sa Kamuning ako bababa.
Lalake 1: Ayan oh, Kamuning na.
Lalake 2: Hindi ako dyan bababa, dun banda.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan habang bumagal ang tren at papalapit na sa GMA Kamuning station.
Lalake 2: Sige ‘tol, dito na ‘ko.
Lalake 1: Oo, bukas na lang.
Lalake 2: Ano nga ulit kulay ng pinapabili? Blue ba?
Lalake 1: Hindi, asul.
Lalake 2: Hindi ba blue?
Lalake 1: Hindi eh. Asul daw eh.
Lalake 2: Ah, o sige. Bukas na lang ulit ah.
Lalake 1: Sige p’re. Ingat.
At diyan natatapos ang “Alamat ng Blue at Asul” na inyong natunghayan. Abangan ang susunod na kabanata ng pakikipagsapalaran!