Lahat ng emosyon, natutumbok ng musikang naririnig natin. Kaya nga di na kataka-taka na kahit ano pang nararamdaman natin, soundtrip lang ang katapat.
Madalas pa, nakaka-relate tayo sa mga kantang napapakinggan natin. Tipong tagos hanggang kaluluwa ang patama ng mga kanta sa buhay natin.
Minsan, ginagamit ang musika para maibsan ang mga anik-anik na nararamdaman natin. Nagpapakabingi sa mga tugtuging sumasalamin sa feelings. Pag may problema, nilulunod ang sarili sa mga musikang makapagpapalimot sa kalungkutan.
Pag masaya naman, iindak sa saliw ng musikang nakakapagpasayaw talaga. Yung tipong mga feel-good music.
Kaya nga nauso ang mga genre ng musika. May nakalaan para sa bawat nararamdaman.
Ang musika rin ay hindi basta-bastang tunog lang. May lyrics ang mga ito na talagang nais ipaintindi ang kahulugan.
Nahuhumaling ang mga tao sa melodiya at mensahe ng musikang pinakikinggan. At dito dumedepende ang pag-iiba ng moods.
Hindi lang basta naririnig ang musika. Nararating nito ang ating kaluluwa.