Ang pikon din ay laging guilty. Kaya pag napipikon ang isang tao, hindi lang siya talo sa usapan. Guilty pa siya sa isyung pinag-uusapan kung meron man. Sigurado yun. Hindi lang niya maamin kaya dinadaan sa init ng ulo kunwari. Asus!
Nakakainis kapag isa kang masayahing tao tapos ang kasama mo ay isang pikunin. Di ka makapag-enjoy dahil kapag napikon siya, wala na. Sira na ang araw. Sira na ang mood. Limitado rin ang pakikisama dahil kailangan pang makiramdam sa mood niya. Tipong hindi mo mai-express ang sarili mo dahil konting pagkakamali ng pagkakasabi o pagkilos ay maaaring ika-pikon niya.
Nakaka-turn off ang mga taong pikon. Hindi naman sila salot sa lipunan, pero napaka-negative ng aura nila. Parang pasan na nila ang daigdig sa hindi maipintang pagmumukha kapag napipikon. Hindi man lang makangiti sa mga biro. Hindi marunong maki-ride ika nga. Laging nakasimangot. Hindi malapitan, hindi makausap. Nakaka-badtrip.
Wala naman akong isyu sa mga TAONG PIKON. Di ko lang sila gusto. Kasi masayahin akong tao at hindi ako pikon. Kahit anong gawin mo sakin, hindi ako napipikon. Gusto ko masaya. Kaya ayoko sa taong malupitan ang pagka-pikon. Alam ko namang wala na akong magagawa dun dahil ugali na yun ng tao. Hindi na yun mababago. Kaya nga nananahimik lang ako at iniisip na hindi sila nag-eexist eh! Wala akong panahon sa taong pikon. Aksaya lang ng oras na dapat ay masaya.
Kaya kung alam mo sa sarili mo na pikon ka, magmuni-muni ka na. Di maganda ang ugaling pikon. Magiging masama pa tingin ng tao sayo dahil iisipin na guilty ka sa isang bagay o walang pakisama sa biruan. Wala namang dahilan para mapikon eh.
Sakto lang magalit, wag lang pikon. Magkaiba yun. Sa susunod ko na tatalakayin ang pinagkaiba.