Paano kasi, yung mga opisyales nagpapakalunod sa pera at kung ano-anong kayamanan. Puro pansariling luho ang inaatupag. Kasakiman ang iniisip.
Sa totoo lang, kahit anong sabihin mo na "PROUD TO BE PINOY" ka, talagang maaasar kang tumira dito sa Pinas. Wala na ngang usad ang buhay dito, di mo pa alam kung kailan ka biglang mabibiktima ng krimen o masasabugan ng bomba sa kalsada.
Nagdurusa ang simpleng mamamayan habang nagpapakasarap sa buhay ang mga lider ng bansa, pulis, militar, at kung sino-sino pang opisyal na dapat sana sila yung unang gumagawa ng tama para sa ikabubuti ng bansa.
Wag na magtaka kung bakit nagkalat ang mga Pilipino sa iba't ibang parte ng mundo at ayaw na bumalik dito.