Tapos na ang Biyernes Santo. Kaya wag na tayong malungkot. Napakaraming dapat ipagdiwang at ipagpasalamat sa Diyos. Ngumiti at magalak dahil si Hesus ay nabuhay na muli. Para sa atin.
Minsan kasi, marami ang nakakalimot magpasalamat. Hingi lang ng hingi, dasal lang ng dasal. Pag dininig ng Diyos, wala na. Nagkalimutan na. Buti at mabait ang Diyos at mapagpatawad. Pero sobra na yung makalimutan at mabalewala. Ganun din sa realidad ng buhay. Minsan nakakalimutan na rin nating magpasalamat sa mga taong umaagapay sa atin. Unfair at nakakalungkot yun sa parte ng taong mabuti.
Ikaw kaya, gumawa ka ng kabutihan sa kapwa tapos babalewalain lang ito ng taong iyon. Ano ang mararamdaman mo? Diba masakit? Parang ginamit ka lang sa pansariling kapakanan at kaligayahan nya.
Wag natin kalimutan magpasalamat sa kahit anong bagay. Simple lang naman ang THANK YOU at SALAMAT. Sa pamamagitan nito, siguradong makakatanggap pa tayo ng mas maraming biyaya dahil pinahahalagahan natin ang lahat.