Sana tinawag na lang nilang "Alay Lakad at Alay Basura para sa Ilog Pasig".
Kung bakit? Narito ang salaysay...
Ten-Nine-Ten bandang alas siyete ng gabi nang sunduin ako mula sa trabaho ng aking mahal (na sa mga oras na iyon ay kagagaling lang din sa trabaho).
Nakauwi kami mag-aalas nuwebe na. Dinner, shower, kulitan kay Bai, at kaadikan sa PVZ. Nagdesisyon kaming matulog na, mga alas onse na. Nag-alarm ng alas dose. Isang oras lang ang tulog.
Di matigil sa kaka-snooze, lagpas 12 na ng hatinggabi nagising. Naghanda para sa takbo kuno.
Umalis ng bahay 2:00 AM. Nakasakay ng taxi papuntang QMC 2:15 AM. Nakarating sa QMC bandang 2:40 AM. Umalis sa QMC at nagtungo sa MOA ng 3:00 AM. Nakarating sa MOA bago mag 3:30 AM.
Naglakad ng 360 degrees dahil imbes sa kaliwa kami nagsimula, sa kanan kami nagpunta. Kumain ng breakfast sa Jollibee bandang 4:00 AM. At pagkatapos ay hinanap at nanatili na sa dapat na kalagyan.
Sumikat na ang araw mula sa madilim na langit, saka pa lang nagsimula. Nakita namin ang mga kalat sa daan na akala mo binagyo at naliparan ng Payatas Dumpsite.
Tumatakbo dapat para sa ikalilinis ng Ilog Pasig... hindi naglalakad at nagkakalat sa kalsada/race track.
Ang daming basurang nagkalat, ang daming tumambay lang at masabi lang na nagparticipate kuno pero wala naman ginawa kahit isang metrong paglakad, ang daming nandugas sa mga pinamimigay, ang daming walang disiplina.
Kung gagawa ng isang paglilingkod sa bayan, dapat siguraduhing sasakto lahat sa gustong iparating. Minsan kasi sali lang nang sali, di naman alam kung ano ang sinalihan. Simpleng "takbuhan" lang ang alam. Hindi iniintindi na may dahilan ang takbuhang iyon.
Maganda ba ng napansin ko? Ang mahalaga nakauwi nang matiwasay kahit na halos magka-stampede na sa gulo ng mga tao.