Hindi ka nga naman sasaya na ikaw lang mag-isa. May pinanggagalingan ito sa ayaw mo't sa gusto mo.
Siguro mapapangiti ka sa mga maiisip mo sa sarili mo. Pero yung masasabi talagang masaya ay yung may nagcha-channel nito sayo.
Pwedeng ikaw ang nagpapasaya sa tao o siya ang nagpapasaya sayo.
Ang kasiyahan, parang salamin. Bumabalik. Nagba-bounce back.
Hindi naman pwedeng sabihin mong masaya ka mag-isa at ipilit ito na wala ka namang ginagawa. Meron at meron talagang magpaparamdam nito sayo.
Mga taong nakapaligid sa iyo.