Sa madaling salita, yung binabato mong kritisismo sa iba ay babalik din sayo.
Halimbawa sa mga matapobre. Mahilig silang manghusga ng kapwa dahil lang sa katayuan sa buhay. Kadalasan, nakakaranas sila ng paghihirap na hindi nila namamalayang karma na sa mga ginagawa nilang kasamaan. Yung mga mahilig magparatang, madalas sarili rin nila pinatatamaan nila. Walang kamalay-malay na ganun din mismo sila.
Bounce-back. Yun ang nangyayari sa mga panghuhusga na ginagawa sa kapwa.