Totoo at subok na ang katagang ito. Marami na ang mga sumikat na kanta at teleserye na nagpapakita ng kabuluhan nito. Alam ito ng kahit sino at pinapaintindi ito sa mga hindi nakakaalam.
In life, you win when you fight. You lose when you give up.
Ito ay sa lahat ng aspeto ng buhay natin pwede isagawa. Sa bawat nararanasan natin sa araw-araw, may mga pinagdadaanan tayong maaaring positibo o negatibo depende sa pananaw natin. Tuwing mga panahong nasa ibaba tayo at nagdurusa, wag nating kalimutan na ang pagsuko ang magpapatalo sa atin. Kailangan nating lumaban kung gusto natin magtagumpay at malampasan ang lahat ng pagsubok.
Kung ang isang tao ay susuko sa hamon ng buhay, pinapatunayan lamang nya na isa syang talunan at walang kahahantungan dahil tamad lumaban. Lagi nating tandaan na hindi ibig sabihin ng isang pagsubok ay katapusan na ng lahat. Kaya nga ito tinawag na pagsubok. Para subukin at hamunin ang katatagan ng pagkatao mo. Kung hindi mo kaya at sumuko ka, talo ka. Ganun kasimple.
Wag na tayong magtaka kung bakit madalas kapag nasa gitna tayo ng isang pagsubok ay laging sinasabi ng mga mahal natin sa buhay na “kaya mo yan”. Minsan naman kapag may problema, nagbibigay pa ng mga payo kung paano malalabanan ito. Meron ding pumipigil kapag nasa bingit na ng pagsuko at sinasabi na ang mga katagang “ayoko na”.
Ito ay sa simpleng kadahilanan na hindi isang mabuting desisyon at solusyon ang pagsuko sa kahit na anong nangyayari sa buhay. Paano ka pa mamumuhay ng tama at masaya kung nagpatalo ka na? May napapala ba ang taong sumusuko?
Sinasabi nga na ang buhay ay survival of the fittest. Ibig sabihin, yung mga matatag na lumalaban ang nagwawagi. At ang mga sumusuko ay mahina, na bandang huli ay natatalo.