Ang TIKTIK: The Aswang Chronicles ay tungkol sa isang grupo at sa kanilang pakikipagsapalaran sa mga aswang. Tipikal na istorya, aakalain mong korni tulad ng nakagisnan na nating mga Tagalog movies, pero wag ka! Halimaw naman ito sa special effects!
Ito ang kauna-unahang gawang-Pinoy na full-length film na kinunan lang sa studio ang kabuuan ng pelikula. Kala natin Hollywood lang ang may kaya nun? Di siguro!
Mga tao, bahay, at sasakyan lang ang totoo sa pelikulang 'to. Pero ang paligid at iba pa ay mabusising ginamitan ng malulupet na makabagong teknolohiya at green screen or chroma key composting.