Ang isang tanong na gumugulo sa aking isip ay… sa dinami-dami ng mga makabagong teknolohiya, may nakikinig pa ba sa mga istasyon ng AM sa radyo?
Di nagtagal ay natuklasan ko na maraming uri ng programa sa AM. May religious teachings, christian songs, political issues, economic issues, local news, international news, radio drama, very old songs, showbiz chismis, love doctors, quiz bees, at kung anu-ano pang mga hindi natin mawari kung sino ang mga tagapakinig nito. Kapansin-pansin din ang kakaibang boses ng mga commentators at announcers - nakakaantok na mabagal, parang zombie. Subukan nyo na lang makinig. Sa uri ng musika at mga topics ng mga istasyon ng AM, tiyak na mapapaisip kayo.
Buti na lamang at matino ang napunta sa akin na istasyon. Tungkol sa pulitika at ekonomiya ng bansa ang tinatalakay nila. Marami akong natutunan mula sa mga tagapakinig na tumatawag sa kanilang programa at naghahain ng sariling opinyon ukol sa isyu. Nakakatawa rin dahil may mga tagapakinig na nagbabangayan at nagpapalitan ng panlalait sa isa’t isa. Parang mga batang nag-aaway ngunit sila’y mga oldies na. Marami pa rin palang nakikinig ng AM sa panahon ngayon. Hindi lang mga matatanda kundi pati mga kabataan. Di lang natin namamalayan dahil kabilang tayo sa mga taong nagwawalang-bahala na lang sa AM. Sinasabi nating baduy, makaluma, pang-matanda, pang-katulong, pang-drayber, atbp. Aminado ang iba na nakikinig lang sila ng AM kapag brownout at may bagyo, naghihintay ng updates sa suspensyon ng klase.
Ikaw siguro sa tanang buhay mo ay di ka pa nakakapakinig ng AM. Bakit di mo subukan?