Kesyo nagpo-promote daw ng kalinisan ang produkto nila.
Pero ang totoo, hindi naman talaga.
Mapa-sabong panlaba, panligo, panghugas ng pinggan, at kung anu-ano pang panlinis ng katawan at kagamitan, bakit laging 99.9 percent lang ang kaya nilang linisin? Ibig sabihin, may dumi pa rin. May germs. May bacteria.
Bakit may naiiwan pang 0.01 percent na mikrobyo? Bakit hindi siya napupuksa? Hindi ba’t kusang dumadami ang mga microorganism?
Napakaswerte naman ng mga kasama sa 0.01 percent na hindi nasawimpalad na mapuksa. Kumbaga sa pelikulang patayan, sila ang mga naka-survive. Sila ang bida.
Pero paano kung maghiganti sila? Paano kung naisipan nilang gumawa ng masama "to avenge their relatives’ death?" Paano kung maghasik sila ng lagim tulad ng mga sakit? Paano kung unti-unti silang pumatay?
Nakakatakot.