Naranasan nyo na ba mag-transfer ng files sa cellphone ng kakilala nyo at biglang may lumabas na ibang pangalan? Walang ibang tao sa lugar. Nasa loob kayo ng isang closed room.
CREEPY!
Masyadong nakakakilabot. Makabagong paraan ng pagmumulto? Siguro iniisip nyo imposible. Pero hindi ito maipaliwanag. Minsan aakalain mong terrorist attack ang pagkakaron ng ibang pangalan na nakalista sa "searched devices". Pag aksidente mong napindot ay biglang magsasabi ng "self-destruct in 30 seconds" o di kaya "initializing world domination". Madalas iisiping virus lang ang koneksyon na yon.
Pero multo sa bluetooth? Parang imposible. May gadgets na rin pala sa ibang dimensyon. Ginagamit na rin pala ang bluetooth sa pag-interact ng mga patay sa mga buhay.