Ako, umaasa akong sa kabila ng hirap ng buhay ng mga Pilipino ngayon ay may natitira pa ring kabutihan sa puso't isipan nila. Naniniwala akong hindi pa nasasakop ng kadiliman ang utak ng mga Pilipino. Nananatili pa rin ang pagiging maka-Diyos, may malasakit sa kapwa, at likas na kabutihang loob.
Ang mabuting tao ay pinagpapala. Yan ang totoo. Hindi lamang makakasagap ng positibong enerhiya ang tao mula sa kalawakan, siya ay bibiyayaan pa ng Diyos ng doble o triple sa kanyang nagawang kabutihan.
Ang masamang tao ay kinakarma sa buhay. Maaaring hindi sa kanya mismo mangyari ang negatibong bagay, ngunit siguradong apektado siya, ang buhay niya, at ang mga mahal niya sa buhay. Doble at triple rin ang kasamaang babalik sa taong gumawa ng masama.
Alam yan ng mga Pilipino, kaya't sigurado akong hanggang ngayon ay meron pa ring mabubuting tao na may busilak na kalooban at pusong maka-Diyos.