Pero nakakaintriga nga naman siguro ang paskil na ito. Tipong, ano kaya ang meron sa loob? Bakit bawal? May mga takaw-nakaw bang gamit doon? Baka may kayamanan!
Kumbaga, mapaatras ba ang mga magnanakaw pag nakita na bawal sila doon? May aamin ba na magnanakaw at talagang susunod sa nakapaskil?
Baka mas lalo pang pagpiyestahan ng mga "nenokers" ang ideyang yan.