Eto yung Tagalog movie na original sound track (OST) pa lang, panalo na! Di maikakailang karapat-dapat sila sa mga award na nakuha nila sa MMFF.
Sa panahon ngayon, hindi na uso yung mga Pinoy action movies tulad noong 80s and 90s na kanya-kanyang bansag ang mga action stars. Sa panahon kung saan mga romance movies na English ang pamagat at mga paulit-ulit na corny fantasy series ang palaging napapalabas sa sinehan, si Asiong Salonga ang pag-asa ng industriya ng pelikulang Pilipino na pwedeng ipantapat sa mga Hollywood films.
Music videos pa lang, busog na sa aksyon at dekalidad na aktingan. Kahit black and white, makikita talaga kung bakit nanguna sa MMFF ang pelikulang ito lalo na sa editing at cinematography.