Madalas ay napupuyat na ang daigdig ngayon. May katuturan man o wala ang pinagkakapuyatan, madalas sabihin sa mga taong ito na nanlalalim ang kanilang mga mata. Ngunit ang hindi nalalaman ng nakararami, halos lumuwa ang mga mata nyan sa kakaharap sa kompyuter. Maghapon magdamag na nakatitig sa kawalan. Samu't saring kulay at laki ang mga tinitingnan. Tila hinihigop ang mga mata unti-unti.
Yun ang dahilan kung bakit luwa ang mata ng karamihan.