Okay lang sana madikitan ng linta, yun ay kung may matamis na naghihintay sayo. Ang kaso, wala. Lahat nagiging mapait. Yung dugo mo, yung pakiramdam, yung mismong pangyayari na madikitan ka ng linta na ayaw matanggal.
Ano ba ang Lindt? Swiss Chocolate yun. Masarap at mamahalin dahil imported. Eh ano naman ang linta? Leech yun. Kamag-anak ng uod. Dumidikit o kumakapit sa balat at sumisipsip ng dugo. Dalawang magkaibang salita. Magkasalungat.
Ang tanong, kailang magiging kasing tamis ng tsokolate ang isang uri ng uod? Kailan magiging masarap ang ginagawa ng linta sa balat at dugo? Kailan magiging katakam-takam ang isang linta tulad ng isang bar ng Lindt?