Isang dating pulis ang nanghostage ng tourist bus ng mga Chinese na namamasyal lang sa Maynila.
Ang rason?
Gusto niyang malinis ang pangalan niya sa kasong kinasangkutan noong 2008. Gusto rin niyang bumalik sa pagkapulis matapos madismiss sa serbisyo noong taon ding iyon.
Kung hindi ba naman siya siraulo... Sa palagay ba niya pababalikin ba siya sa pagiging pulis kung naglikha siya ng isang kaguluhan na kahiya-hiya sa buong mundo?
"Panibagong sampal ito sa imahe ng ating bansa." -- Sen. Chiz Escudero
100 percent, talagang nakakahiya ang Pilipinas. Nahihiya ang mga Pilipino sa buong mundo sa ipinapakitang asal ng mga pulis.
Hindi pa nga tapos yung isyu sa pangtotorture, heto na naman. Kalat na naman sa worldwide news ang nagaganap sa Pilipinas.
Kung hindi nangongotong, nangtotorture. Kung hindi nangtotorture, nanghohostage.
May kwenta pa ba ang kapulisan ng bansa natin? May reputasyon pa ba silang pinanghahawakan?
Napakalaking kabaliwan na isang dating pulis pa ang gagawa ng kahihiyan.
Napakalaking kabaliwan na ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito ay para makuha niya ulit ang trabaho niya sa Philippine National Police (PNP).
Napakalaking kabaliwan na ang hinostage pa ay mga foreigner. Dinamay pa ang turismo ng bansa.
Buti sana kung kapwa Pilipino niya ang hinostage niya. Di na siguro tayo malalagay sa headline ng international media.
Nakakahiya.
Sobrang nakakahiya. Imbes maawa ka, ipagkakait mo na lang na isa kang Pilipino. Magpapanggap kang iba ang lahi mo.
Bansa na natin ang pugad ng mga baliw na pulis.
God bless the Philippines.
Mabuhay!