Pero ngayon, juskuday! Araw-araw akong naha-high sa sobrang init!
Nagparamdam ang matinding init nung Biyernes Santo. Nagsimula yung total heatwave nung magkaroon ng mga gamu-gamo nung gabi ng Easter Sunday. Araw man o gabi, talagang malagkit ang pakiramdam. Sobrang sarap magbabad sa malamig na tubig!
At napansin ko rin na di ko kaya tumagal ng isang minuto na walang malamig na tubig o kahit anong thirst quencher dahil nakaka-dehydrate talaga ang init. Nakakahilo, nakakasakit ng ulo, nakakapandilim ng paningin, nakakatuyo ng lalamunan, nakakapanghina, nakaka-collapse. Kakaiba. (In fairness, masarap yung APPLE SPRITE FLOAT sa McDo! At HALO-HALO sa Chowking at Mang Inasal! Kakaadik!)
Hindi lang ito basta-bastang humid na mainit lang ang singaw ng hangin. Nakakapaso sa balat at nakakasunog ng kutis ang sikat ng araw at talagang sobrang mainit na mainit, napaka-init ng panahon!
At kahit mahaba na ang buhok ko at isang malaking sagabal at nakakairita sa mainit na panahong ito, hindi na lang ako magtatali o magpo-ponytail o kung anuman. Ito ay sa kadahilanang matutusta ang batok. Di lang basta sunog, tustado pa! TOASTED! Yung tipong maitim talaga. ITIM! Di natatanggal gaya ng LEE BAG!
Wala lang. Trip ko lang. Ayoko lang matusta ang batok ko sa araw araw na biyahe na maraming nilalakad sa initan. Ayoko rin mag-collapse sa daan.
Piece of advice, magdala lagi ng tubig at magbitbit ng payong. Wag kalimutan ang pamaypay at pamunas ng pawis.
At utang na loob, wag tutulad sa mga taong amoy sibuyas o amoy bulok na luya. Wag maghasik ng lagim sa pampublikong lugar!!!