Ang alam natin, pampagaan ng pakiramdam at pampaganda ng mood ang chocolates. Pero ikinalulungkot ko, nagkakamali tayong lahat.
May pinakabagong pag-aaral tungkol dito na naka-publish na sa Archives of Internal Medicine. Research ito ng University of California sa mahigit 900 na tao sa San Diego.
Eto na ang resulta: PAMPA-DEPRESS ANG CHOCOLATE!!!
Ang kumakain daw ng "8.4 servings of chocolate per month" ay positibo sa POSSIBLE DEPRESSION. Samantalang ang kumakain ng "5.4 servings per month" ay negatibo.
May kinalaman ang ingredients dito na pumipigil sa produksyon ng omega-3 fatty acids na nagbibigay sana ng "anti-depressant effect" sa chocolates.
Sa madaling salita, mas madaling ma-depress ang taong mahilig sa chocolates.
Kaya kung depressed ka at gusto mong sumaya, wag na wag kang kakain ng chocolate dahil siguradong magpapatiwakal ka sa pagkalala ng state of depression mo!