This would probably be the best gadget in the future. The video explains how it works. Watch and learn. You will surely want one!
0 Comments
TEN-TEN-TEN: Takbo para sa Ilog Pasig.
Sana tinawag na lang nilang "Alay Lakad at Alay Basura para sa Ilog Pasig". Kung bakit? Narito ang salaysay... Ten-Nine-Ten bandang alas siyete ng gabi nang sunduin ako mula sa trabaho ng aking mahal (na sa mga oras na iyon ay kagagaling lang din sa trabaho). Nakauwi kami mag-aalas nuwebe na. Dinner, shower, kulitan kay Bai, at kaadikan sa PVZ. Nagdesisyon kaming matulog na, mga alas onse na. Nag-alarm ng alas dose. Isang oras lang ang tulog. Di matigil sa kaka-snooze, lagpas 12 na ng hatinggabi nagising. Naghanda para sa takbo kuno. Umalis ng bahay 2:00 AM. Nakasakay ng taxi papuntang QMC 2:15 AM. Nakarating sa QMC bandang 2:40 AM. Umalis sa QMC at nagtungo sa MOA ng 3:00 AM. Nakarating sa MOA bago mag 3:30 AM. Naglakad ng 360 degrees dahil imbes sa kaliwa kami nagsimula, sa kanan kami nagpunta. Kumain ng breakfast sa Jollibee bandang 4:00 AM. At pagkatapos ay hinanap at nanatili na sa dapat na kalagyan. Sumikat na ang araw mula sa madilim na langit, saka pa lang nagsimula. Nakita namin ang mga kalat sa daan na akala mo binagyo at naliparan ng Payatas Dumpsite. Tumatakbo dapat para sa ikalilinis ng Ilog Pasig... hindi naglalakad at nagkakalat sa kalsada/race track. Ang daming basurang nagkalat, ang daming tumambay lang at masabi lang na nagparticipate kuno pero wala naman ginawa kahit isang metrong paglakad, ang daming nandugas sa mga pinamimigay, ang daming walang disiplina. Kung gagawa ng isang paglilingkod sa bayan, dapat siguraduhing sasakto lahat sa gustong iparating. Minsan kasi sali lang nang sali, di naman alam kung ano ang sinalihan. Simpleng "takbuhan" lang ang alam. Hindi iniintindi na may dahilan ang takbuhang iyon. Maganda ba ng napansin ko? Ang mahalaga nakauwi nang matiwasay kahit na halos magka-stampede na sa gulo ng mga tao. Totoo ngang kung magpapaligsahan sa paunahan ang food delivery at pulis, tiyak mauuna ang pagkain.
Uso ang ganito sa Pilipinas. Kahit sa TV, pelikula, o totoong buhay... bakit kaya ubod nang kupad ang mga pulis sa pagresponde? Tipong "too late" lagi. Kung kailan tapos na ang kaguluhan, saka pa lang sila darating at magtatanong kung anong nangyari. Kumbaga, useless na rin na dumating pa sila. Ano kaya ang ginagawa nila kapag may emergency? Bakit di sila nagpa-panic at napapatakbo? Di ba nila nararamdaman ang kagustuhang makalipad o mag-teleport kung pwede lang? Kung may takbuhan, pupusta ako sa delivery boy. Good luck na lang sa mamang pulis! I feel so envious of this little girl who wrote to Captain Jack Sparrow asking about mutiny against teachers. Fortunately and luckily, Johnny Depp got hold of the letter. And so, the sweet voyage began. * I want one too! Boohoo! If I write to my Captain Jack, would my Johnny Depp respond? * Click the picture below for the full story and watch the excerpt from the surprise pirate visit. Pwede naman nilang tawaging "Natural Drinking Water in a Can" diba? Bakit inilagay pa nilang "bottled water"?
Nakakalito lang... kunwari maghahanap ka ng ganito sa tindahan... Ikaw: Manang, pabili nga po ng bottled water. Manang: (kumuha ng literal na tubig na nasa plastik na bote) Ikaw: Ay naku, wala po ba kayo nung nasa lata? Manang: Akala ko ba bottled water ang gusto mo? Ikaw: Oo nga po, delata. Manang: Anong delata? Maling? Sardinas? Ikaw: Bottled water po, manang. Manang: Naku, wag mo nga akong pinagloloko. Ikaw: Di po ako nanloloko. Kailangan ko po talaga ng bottled water na delata. Manang: Tanod! May adik po dito! Nakatambay! Ikaw: (dinampot ng mga barangay tanod at dinala sa pinakamalapit na presinto) Diba ang saklap ng kalagayan mo kapag ganun? Baka ma-headline ka pa sa tabloid... "SIMPLENG MAMAMAYAN, NAISPATANG NAG-AADIK DAHIL SA DELATANG BOTTLED WATER!" Sa totoo lang, maganda naman ang layunin ng tubig sa lata. Environment-friendly at nakabubuti sa kalusugan kaysa sa plastik. Ang problema nga lang, ang pagle-label pa rin dito na "bottled water" kahit hindi na siya literal na bottled. Mahirap magtrabaho lalo na kapag napipilitan ka lang. Kumbaga, hindi mo talaga gusto yung ginagawa at napilitan ka lang dala ng matinding "pressure of unemployment".
Narito ang ilang senyales na hindi ka masaya sa work mo ngayon at kailangan mo nang hanapin ang talagang gusto mo sa buhay. Basahin at tingnan ang sarili kung nasa dapat ka nga bang kalagyan o kailangan mo nang mag-alsabalutan. *** Naghahangad ka pa ng mas malaking kita. Importante ang sweldo sa criteria na tinitingnan ng isang aplikante sa panahon ngayon. Kung hindi ka kuntento sa kinikita mo sa kasalukuyang trabaho, ibig sabihin may gusto ka pang makamit pero hindi mo maabot. Hindi ka masaya sa natatanggap mong kapalit ng paghihirap mo. *** Nababagot ka sa mga ginagawa mo. Kung lagi kang inaantok at kung anu-ano ang pinagkakaabalahan mo sa trabaho para lang may magawa, ibig sabihin may iba ka pang gustong gawin na siguradong hindi iyan. Hindi ka masaya at bored ka. Paano ka uunlad kung may gusto kang gawin na hindi mo nagagawa? *** Napag-iiwanan ka na sa pwesto. Kung ikaw na lang ang hindi pa napo-promote, kung ilang taon ka na sa trabaho at wala pa ring nangyayari sa lebel ng career mo, aba! Mag-isip-isip ka na. Baka hindi ka para diyan. Kumbaga, no room for achievements. Kailangan mo ng trabahong you will surely grow. *** Natatakot kang mawalan ng trabaho. Sa panahon ngayon, napakahirap humanap, napakahirap magkaroon, at napakahirap mag-maintain ng trabaho. Kung dahil lang sa takot mapabilang sa mga unemployed kaya ka napilitan sa trabahong iyan, subukan mo nang humanap ng stable at gusto mong pagkakakitaan. *** Naghahanap ka ng ibang trabaho habang nasa trabaho. May dahilan kung bakit patuloy ka pa ring naghahanap ng trabaho kahit may trabaho ka na. Siguro, ayaw mo lang aminin sa sarili mo na ayaw mo talaga ng ginagawa mo at naghahanap ka ng iba pa na pwedeng lipatan. Hindi ka kuntento sa trabaho mo kaya humanap ka na ng iba. *** Tinatamad kang gumising sa umaga para pumasok. Kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, hinding hindi ka tatamarin kahit kailan. Kapag tinatamad ka, siguradong ayaw mo ang trabaho at gusto mo nang sumuko. Kumbaga, wala kang something you look forward to. Sa gusto mong trabaho, tiyak na gaganahan ka at laging maaga. Although it's already a law in most countries, people should be constantly reminded about wearing seatbelts as soon as they sit in the car and before turning on the engine. Drivers should always make it a habit to buckle up before stepping on the pedal or even holding the steering wheel. Passengers should also do the same. People in the vehicle should remind everyone on board to fasten the seatbelts before getting out of the parking. Why do we need to strap ourselves in the car or in any type of vehicle? What does a seatbelt do? It is a safety harness that holds the person in place in case sudden stops, accidents, or collisions take place. The seatbelt prevents the person from bumping and banging and slamming inside the car. It helps lessen the injury from hitting the parts of the car. It has a mechanism of absorbing the impact. I have tried and tested this importance of wearing seatbelt. And it can really save a life! You should put a sticker somewhere in the car to remind you to buckle up before anything else. Public transportation should also have seatbelts. We'll never know what might happen on the road. Better safe than sorry. I would definitely consider myself lucky. Luckier than those with "agimat" on them.
It was a rainy morning yesterday and I'm peacefully seated behind the wheels on my way to work. Suddenly, a so-called "patok" jeepney slammed on my right side. It felt something like a bumpcar ride -- only it was real and much painful. The passenger seat was a total wreck. My car was pushed to the opposite lane due to the impact. Good thing there was no head-on collision that happened. There was a moment of silence. I was out of my mind for a few seconds. Then I looked at my right side and saw shattered glass everywhere, the passenger door was deformed towards me. I came back to reality and my lips automatically called for God. I started shaking and tears fell. People outside were checking on me. They asked if I was ok and it was then when I checked myself for any injury. There was none. Not even a tiny scratch. It was a miracle. Nothing more, nothing less. Aside from the seatbelt, it was my faith and the prayers of those who love me that saved me. God is good. God is great. God loves us -- you just gotta have faith in him. I'm thankful for my second life. And I'm gonna spend it by spreading God's love. |
The author's name is always misspelled and mispronounced. But you can call her Maryowni.
HOT TOPICS
All
FIND ME HEREGET UPDATESARCHIVES
November 2012
BLOGOSPHERE** Cheers to LOVE.LIFE!
** all time fangirl ** Charlie, get your vogue on ** Think About It. ** Paulo Coelho's Blog ** The Professional Heckler ** Strange Fruit ** The Oatmeal ** Hot 10 ** nicknamed cheenee BEST GUESTSThis work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. SHOWS/EVENTS |