Tama nga naman.
Ang oras ay hindi isang bagay na kapag nawala, pwedeng matagpuan lang sa mga "lost and found" areas.
Hindi na maibabalik ang panahon. Ang buhay ay walang "rewind". Walang U-turn, walang atras, walang taympers. Tuloy lang ang andar pasulong. Tuloy lang ang agos.
Kaya nga nabuhay ang "regrets" o pagsisisi dahil sa mga panahong hindi na maibalik, mga oras na nasayang.
"Do or die" ang sistema ng buhay. Lahat "on the spot" ginagawa. Walang "trial and error" na kapag nagkamali, pwedeng ulitin kahit ilang beses hanggang sa maitama. Walang "undo" na kapag nagkamali, pwedeng ibalik sa dati sa isang kisapmata lang.
Habang may buhay, may pag-asa. Life is short. Make the most out of every second of it. Nasa huli ang pagsisisi. Hindi na maibabalik ang mga oras na nawala o mga panahong lumipas. Huwag sayangin.