Goodbye and thank you, Philippines! See you on Palm Sunday! God bless you always!
You are my sandbox, my only sandbox. You make me happy when skies are gray. You'll never know, dear, how much I love you. Please don't take my sandbox away.
Goodbye and thank you, Philippines! See you on Palm Sunday! God bless you always!
0 Comments
Nakaramdam ka na ba ng kakaibang nangyayari sa mata mo? Tipong halos lumabas na ito sa kanyang kinalalagyan sa bungo? Maipapaliwanag ba ito ng siyensya? O sadyang base lang ito sa pakiramdam at paningin ng tao?
Madalas ay napupuyat na ang daigdig ngayon. May katuturan man o wala ang pinagkakapuyatan, madalas sabihin sa mga taong ito na nanlalalim ang kanilang mga mata. Ngunit ang hindi nalalaman ng nakararami, halos lumuwa ang mga mata nyan sa kakaharap sa kompyuter. Maghapon magdamag na nakatitig sa kawalan. Samu't saring kulay at laki ang mga tinitingnan. Tila hinihigop ang mga mata unti-unti. Yun ang dahilan kung bakit luwa ang mata ng karamihan. Walang kinalaman si Bruce Wayne dito.
Hindi ako botante dahil di pa rin ako rehistrado hanggang ngayon sa edad kong ito. Oo, sayang nga ang boto ko ngayong darating na eleksyon. Sayang din ang mga perang pinapamigay ng mga kandidato. Hahaha! Biro lang. Sabi sa mga kumakalat na balita, ang mga surveys at campaign materials daw ang nagdidikta kung sino ang mananalo sa eleksyon. Naniniwala ba kayo dun? Syempre ako hindi. Una sa lahat, ang survey ay karagdagang impormasyon lamang. Ang mga lumalabas na resulta sa mga survey ay hindi sapat para sabihin na yun ay kabuuan ng lahat ng mga Pilipino. Parte lang ng populasyon ang ginagamit sa mga survey. Isa itong guide at hindi repleksyon ng tunay na saloobin ng mga Pilipino sa buong mundo. Pangalawa, ang campaign materials ay paraan lang ng pagpapakilala ng isang kandidato sa mga botante. Hindi maididikta ang magwawagi kung ang pagbabasehan lang ay ang dami ng mga ginagamit sa pagpo-promote. Kahit gumastos pa ng gumastos, kahit abutin pa ng gazillion pesos, kahit lahat ng sulok ay tadtad ng mukha, boses, at patalastas ng isang kandidato, wala itong maitutulong kung ayaw talaga sa kanya ng madlang pipol. Pangatlo, hindi ito paligsahan kung sino ang may nagawa o para sa bayan. Hindi ito paramihan ng nagawa. NAGAWA = PAST. Nakaraan na yun. Bakit inuungkat pa? Bakit ipinagsisigawan pa sa madla? Para ano? Magpasikat? Saan? Sa Showtime? Ang pinaglalabanan dito ay kung sino ang tunay na may magagawa para sa bayan. Di na kailangan ng pagpapasikat sa mga nagawa na. Tapos na yun. Dapat harapin ng mga nag-aasam ng pwesto ang nangyayari sa kasalukuyan. Kung paano nila masosolusyunan ang mga problema. Wala namang maitutulong yung mga dati nilang nagawa sa nararanasan natin ngayon eh! Kaya naman sa panahon ngayon, lalo na sa darating na ika-sampu ng Mayo, kayo muna si Batman. Nakasalalay sa inyo, mga kababayan kong Pilipino, ang kinabukasan ng ating bayan. Matalino si Batman kaya dapat ay isiping mabuti ang mga nabasa nyo dito. Suriing mabuti ang pangalan na katabi ng bilog na hugis itlog bago nyo itiman. Kayo ang bahala. Nope, this is not about the Hayden Christensen movie.
But before you get disappointed, have you ever wondered why we always tend to jump into conclusions? This is a question that some of us, if not all, are guilty about. Every single day of my life, I encounter people who just seem to love “jumping”. I have no idea how they do it. They slap it on your face real hard. Without second thoughts. Plain and simple. It’s always an “ouch” on my part. But like what I discussed in my previous article, I just let it slip away as if nothing happened and go on with my life. As I understand it, the term “jumping to conclusions” or to “jump into conclusions” means to “therefore conclude” on an issue while having no basis at all. There is no proof or concrete evidence whatsoever. It makes an ASS out of U and ME. As we all know, a person does not have the right to judge anything or anyone without properly understanding the matter first. This is the usual problem of the world, particularly in our relationship with others — doing things and saying stuff without thinking or even going through second thoughts. For me, jump is not the correct term to use. It should be DIVE. People are unaware that when they jump into conclusions, they instantly dive into nothingness. A deep and dark chasm. Waiting for the fall. To finally land on their own deathbeds. It is always a good feeling when you wake up from a nightmare or rise up from a fall.
Past is past. This is definitely one of the most-used statements of our lives. It is true that we should leave every dark memory behind. But we can never move on to the future if we won’t look back on our past as a guide on how we live our present life. So basically, it means that everything in the past is past but it’s still there. You can’t deny the fact that it will never be erased from your long list of experiences. The positive side of having bad memories is how we learn from it and mature as a person. The best thing that will ever happen to a person during his or her dark moments is how he or she manages to recover and go on with a brighter life. These attitudes are based on how we handle ourselves and the situation itself. In times of deep sorrow, or when we are at what we call the “lowest point of our lives”, we should always remember that it could not go on like that forever. Life is a journey – a path. How can we be able to move on completely if a part of us is stuck in what we should already consider as past? How can we step forward on our life’s path and reach the highest point if we just stay put at one place? The existence of “emo” people is best explained through their inability to move on with their lives. They find it so hard to leave all sorts of negative experiences behind. They get stuck in the darkest part of their lives and have the tendency to do all things “emo”. By this, I mean everything that are obviously done by most emo people nowadays. I won’t dig much into that. All of us have the possibility to be an emo. At some point in our lives, there are times when it becomes so difficult to get over a particular negative experience. Yes, it is not that easy to move on. But we should. No matter what. Even if we get into an “emo mode” every once in a while, let us not forget that life does not end there. The path will never take us to a dead end. Even if it is sometimes not literally true, believe that there’s always a rainbow after the rain. Getting over the negative and moving on = a positive new beginning. And a new beginning gets even sweeter when you start it with a bite of Red Ribbon’s Chocolate Heaven! May kinalaman na naman ito sa sinulat ko kahapon.
Kapag nagkakasakit ako, hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Bukod sa sakit na dinaranas ko, naisip ko kung bakit ako nasasaktan. Pati ang mga bagay na nakakasakit sa akin, naisip na rin. Lahat ng bagay. Habang iniisa-isa ko ang mga bagay na yon, naisip ko na naman kung bakit kailangan ko pang makaranas ng matinding sakit ng katawan bago ko mapagtanto ang mga ito. Umiikot lang ito sa salitang SAKIT. Iba-iba man ng kahulugan, yun pa rin ang bagsak. Maraming uri nito. May pisikal, mental, at ang pinakasikat ay ang emosyonal. Sa pisikal, maiisip ang mga karamdaman. Sa mental, uso ang pagod na dulot ng pag-aaral o pag-iisip. Sa emosyonal naman, lalabas ang pangalan ng mga tao na may kinalaman sa iyong damdamin. Iba ang ibig sabihin ng “ikaw ay nagkasakit” sa “ikaw ay nasaktan” at sa “ikaw ay nagpakasakit”. Minsan, kung nagkasakit ka, hindi ka agad maiiyak. Pero kapag nasaktan ka, ibang usapan na yan. Iiyak ka na talaga. Maaaring pisikal na nasaktan o emosyonal na nasaktan. Anu pa man, di hamak na mas may epekto ito sayo kaysa sa sakit mo. Bakit nga ba tayo nasasaktan? Naitanong mo na ba yan sa sarili mo? Malamang ang madalas na sagot ay “syempre tao tayo na nagmamahal” o di naman kaya madadamay pa ang isip at damdamin. Pati kaluluwa na rin. Di naman kasi lahat ng tao nasasaktan. May mga taong manhid. May damdamin pero walang pakiramdam. May utak pero hindi nag-iisip. May puso pero hindi sinusunod. May kaluluwa pero walang awa. Kaya ang mabuti pa, wag nyo na hintayin na maospital kayo bago nyo malaman kung gaano na kayo nagkasakit at nasaktan. Laging tandaan na hindi ka manhid para hindi mo maramdaman yun. Ang pagmamahal ay pagpapatawad, at ang pagpapatawad ay pagmamahal.
Ang mensaheng ito ay para sa mga “bitterinarian” sa kanilang mga sariling buhay. Kung mapait pa rin ang damdamin mo ngayon, ibig sabihin ay hindi mo pa napapatawad ang taong nanakit sayo. Bakit dala-dala mo pa rin yan? Hindi mo ba kayang magpatawad at ipagpatuloy ang buhay na masaya at magaan? Gusto mo bang magkaron ng karamdaman, tumanda agad, at pumangit? Sa buhay, hindi natin maiiwasan na makasakit ng damdamin o masaktan mismo. Lalong lalo na ng mga taong mahalaga at mahal natin. Ang buhay natin ay umiikot sa pagmamahal — sa magulang, kapatid, kaibigan, anak, asawa, kamag-anak, boyfriend, girlfriend, at iba pang mahal sa buhay. Tayo rin ay nabubuhay sa pamamagitan ng mga taong nagmamahal sa atin. Kung ating iisipin, ang rason ng karamihan sa mga nagpapakamatay ay dahil wala ng nagmamahal sa kanila. Ang pakiramdam ng minamahal at nagmamahal ay napakahalagang emosyon na dapat pangalagaan. Sinasabi na hindi marunong magmahal ang isang tao kung hindi sya marunong magpatawad. Totoo ito. Walang karapatan ang isang tao na sabihing marunong syang magmahal at sya ay nagmamahal kung hindi nya kayang magpatawad. Nakasaad na mismo sa kataga na ang pagmamahal ay pagpapatawad, at ang pagpapatawad ay pagmamahal. Paano mo nga naman nasabing nagmamahal ka o marunong kang magmahal kung puro galit ang laman ng puso mo? Ang pagmamahal ay dapat na masaya. May masaya bang mabigat ang dinaramdam? Paanong may maglalakas-loob na mahalin ka kung dala-dala mo pa rin sa puso mo ang pait ng nakaraan na ayaw mo pang bitawan? Mahirap mabuhay na may mabigat na dinadala sa puso. Hindi gagaan ang pakiramdam at ito ay makakaapekto sa pangkalahatang aspeto ng buhay natin. Kung hindi ka matututong magpatawad, pakawalan at bitawan ang mabigat na saloobin, at magpatuloy sa masayang agos ng buhay, kailanman ay hindi ka magtatagumpay o makakamit ang kaligayahan. Apektado pati ang pagiging progresibo ng ginagawa mo sa araw-araw. Puro negatibo ang masasagap mong enerhiya na magpapabagsak sayo at sa buo mong pagkatao. Totoong mahirap magpatawad. Hindi kaagad-agad ay kayang palagpasin at kalimutan ang anumang nagpasakit o nagpahirap sa damdamin natin. Pero hindi ibig sabihin na kapag mahirap magpatawad ay hindi na magagawa ito. Paano ka magsisimulang muli at magpapatuloy sa buhay kung hindi mo isasara ang mapait na nakaraan? Paano maghihilom ang sugat sa puso mo kung hindi mo naman ito ginagamot? Kaya may mga taong kung tawagin ay bitter o emo, ay dahil may mabigat silang dinaramdam na hindi pa nila mabitawan. Nakakulong sila. Makakalaya lamang sila kung matututo silang magpatawad at magmahal, at tuluyang makita ang ganda ng buhay kapag magaan ang pakiramdam. Ang pagpapatawad ay isang mahalagang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa bilang isang ordinaryong tao. May kaugnayan man kayo o wala, masasabing mahal mo ang kapwa mo kapag pinapatawad mo sya sa anumang bagay na gawin nya. Tayo ay tao lamang. Nabubuhay. Nagmamahal. Nagpapatawad. Kung ang Diyos ay marunong at kayang magpatawad ng kahit sino, tayo pa kaya? If there is someone who misses you, do you miss that person too?
Let’s say, you haven’t seen your friend for the longest time. Due to busy schedules, you don’t have regular means of communication. You even have the tendency to forget your friend’s face. Then suddenly, out of the blue, your friend pops out of nowhere just to tell you that he or she misses you. You begin to reminisce and look back at the moments you were together. And you realize how you really miss that person too… But if there is someone you miss, does that person miss you too? That is the big question. Having no idea if “the person misses you as much as you miss him or her” gives room for doubt. To get out of this sticky situation, every kind of our relationship to other people (family, friends, loved ones) should maintain any type of communication (call, text, email, chat, snail mail, social network) at all times. It prevents us from doubting the person we miss. By always keeping in touch with the important people in our lives, we can openly express or lessen our feelings of “MISS-ery” towards each other. May kinalaman ito sa patikim ko kahapon. Dahil sa buhay, may mga simpleng tanong na walang matinong sagot ayon sa katanungan.
Magulo? Hindi. Sa dulo nitong paliwanag na ito, maiintindihan nyo rin ang ibig sabihin ng katagang yan. Simulan natin sa isang sikat at epektibong halimbawa… (Eksena: sa loob ng eroplano, sa dulo) Cabin Crew: (British accent) Good evening sir. What would you like to eat? Chicken, beef, or fish? Passenger: Beef, please. Cabin Crew: (British accent) Umm, sir, we have no more beef. Passenger: Ok, I’ll take the chicken. Cabin Crew: (British accent) Sorry sir, but we also ran out of chicken. Passenger: Well then, I guess I have to take the fish. Cabin Crew: (British accent) Oh I’m very sorry sir, but the last fish meal was given to a special child. Would you like to have some pasta with vegetables instead? Passenger: Then why did you ask me to choose among the three meals if there were nothing left? Why didn’t you just offer whatever you have in that piece of pushcart? Marahil ay naiintindihan nyo na ang nais iparating ng mga salitang nakasalungguhit. Napakarami pang ibang halimbawa ng ganitong eksena na iba-iba rin ang paraan ng pagpapaliwanag. Sa una, nakakatawa at tila isang “gag show” pero sa huli, nakakaasar lalo na pag paulit-ulit na nangyayari. Naranasan mo na ba na may tinanong sayo pero ang sagot na gustong marinig ng taong nagtanong ay wala sa mga binigay nyang pagpipilian?
Magulo pero naiintindihan mo naman diba? Kagaya na lang kapag nasa eroplano. Tatanungin ka ng kung sinong astang concerned sayo, kung ano ang gusto mong kainin. Syempre magbibigay sya ng choices. Pero hindi na pala available yung mga sinabi nya. Parang gusto mong sabihin in a very sarcastic way na: “wow! nagtanong ka pa! at nagbigay ka pa ng choices! asteeg!” Iisipin mo tuloy pinagtitripan ka lang ng crew. Syempre magtitimpi ka ng asar. Maraming tao, nakakahiya gumawa ng iskandalo. Akalain pang nag-aamok ka at balak mo i-hijack yung eroplano. Maraming ganitong eksena. Usong-uso. Sigurado alam mo yung mga kagaya nito. |
The author's name is always misspelled and mispronounced. But you can call her Maryowni.
HOT TOPICS
All
FIND ME HEREGET UPDATESARCHIVES
November 2012
BLOGOSPHERE** Cheers to LOVE.LIFE!
** all time fangirl ** Charlie, get your vogue on ** Think About It. ** Paulo Coelho's Blog ** The Professional Heckler ** Strange Fruit ** The Oatmeal ** Hot 10 ** nicknamed cheenee BEST GUESTSThis work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. SHOWS/EVENTS |